Monday, October 20, 2008

kahirapan ng karamihan







Ilan lamang ito sa mga kababayan nating mahihirap na nagtityagang manirahan sa mailiit at masisikip nilang bahay. Halimbawa sila ng karamihan sa mamamayan n gating bansa. Lumipas na ang maraming panahon, napalitan na din ang mga namumuno sa ating bansa ngunit di pa din nabago ang kanilang pamumuhay. Ang iba sa kanila ay lalo pa ng anlugmok sa kahirapan. Marami sa kanila ag dumadaing na sa hirap ngunit di makaahon sa hirap dahil sa kakulangan ng suporta galling sa pamahalaan. Marahilmay mga proyekto nga ang ating pamahalaan at sila’y naglalabas ng malaking pera para dito. Ngunit may ilan tayong pulitiko na nagagwa pang nakawan ang pera na para sa mga kababayan nating mahihirap kung kaya di pa din mabawasan ang mga naghihirap nating kababayan.

Kailangangan maisip ng lahat ang sitwayon ng karamihan sa atin at makagawa ng isang matatag na paraan para mapaginhawa ang buhay ng mga Pilipino. Pero mas makabubuti siguro kung mas uunahin nating ayusin ang pilitika sa bansa natin para mas madali na anting magawan ng paraan ang mga problema ng bansa. Ang malaking tanong ay kung paano natin mapapabuti ang pulitika sa ating bansa.

Di na bago sa atin ang mga balita tungkol sa mga kurakot at tiwaling opisyal n gating pamahalaan. Noon pa may dagdag na sa problema ng bansa ang mga pulitikong ito. Marami ng tao ang nagrereklamo dahil sa kanila perokailan may di nawala o nabawasan ang mga tulad nila.

Karamihan sa maliliit na tao ng bansa ay naghihirap pati na an gating bansa mismo ngunit di ito ganong nabibigyang pansin ng ibang pilitiko dahil mas inuuna nila ang sariling kapakanan at ang kanilang pamilya. Ang ilan sa kanila ay may mga proyekto nga para sa mahihirap pero di naman ganong ramdam ng mga tao. Marahil ay gusto lang nila makuha ang kanilang porsyento kung kaya gumagawa din sila n kung anu anong proyekto gaya na lang ng mga biglaang pagpapaayos ng mga parte ng daan. Ang iba sa mga daang ito ay matitino pa naman. Bakit di na lang kaya nila gamitin ang mga perang iyon para matulungan ang mga nangangailangang mahihirap. Dahl sa pagiging makasarili ng mga pulitikong ito ay lalong dumarami ang mahihirap sa bansa. Kung sino pa ang mayaman ay siya pang lalong yumayaman at kung sino pa angmahihirap ay sila pa ang lalong nalulugmok sa kahirapan.

Ang mga nasa pamahalaan ay dapat nagkakaisa at magtulung-tulungan para sa ikagiginhawa n gating bansa, ng mga mahihirap na Pillipino. Ngunit sa halip na gampanan ng mabuti ang kanilang pwesto ay nagkakanya-kanya sila ng Gawain at kadalasan pay di magkasundo kung ano ang gagawin sa bansa. Paano pa kaya masusulusyunan ang kahirapan sa bansa kung mismong sa pamahalaan ay di sila magkasundo sa dapat gawin. Dahil dito’y di agad mabawasa ang hirap na dinadanas ng halos lahat ng Pilipino.

Marahil ay maaari nating mabawasa ang mga tulad nila kung laha tayo ay matututong mamili ng kung sino nga ba ang karapatdapat mamuno sa atin. Ang mga taong nabubuhay para sa pulitika, mga taong mas uunahin ang kapakanan ng nakararami kesa sa sarili nilang pamilya at kagustuhan. Kalingan nating wag magpadala sa nga pinapamigay na pera teing eleksyon dahil indi naman ito ang makakapag ahon sa atin sa kahirapan. Maaaring para sa iba ay makakatulong ito pero ito’y panandalian lang. Ang kalingan natin ay pangmatagalan na kaginhawaan kung kaya mas mauti kin matututunana naitng piliin kung sinu-sino ang karapatdapat mapunta sa pamahalaan. Sa paraang ito ay maaari ng mabawasan ang tulad ng mga nasa larawan, ang mga kababayan nating mahihirap.


-Aldrin S. Magpantay

No comments: